Sa Gitna ng Laban
Uncategorized July 15th, 2009liwanag na gagabay
pagmamahalan magbibigkis
kapit-bisig
hindi padadaig
ilublub
igapos
tatayo
lalaban
alipustahin man ng dayuhan
yurakan ng kapwa kababayan
pilit isisigaw
ipaparamdam
diwang makabansa bitbit pa rin
pagka PILIPINO nasa puso namin
kung sa dunong man salat
kung prinsipyo’t inaamag
buong TAPANG kaming haharap
taas noong lilipad
lahat babatahin
pansariling kaligayahan man ang kapalit
bsta PARA SA PAMILYANG INIIBIG.